"Lupain ni Mang Reo"

                      ni: Noelyn Rose Eval


Si Mang Reo ay isang ama na may dalawang anak na sina Elena at Maryel ang kanyang asawa naman ay si Aling Marivic. Sila ay nakatira sa Apitong sa lupain na minana mula pa sa kanyang mga magulang. Noon mag-isa lamang silang nakatira at nangangasiwa sa kanilang mga taniman payak lamang ang kanilang naging pamumuhay roon.

           Sa lugar din iyon mayroong mga pamilya na nakatira sa squatter area ngunit kalaunay sila ay pinaalis ng Local Government Unit (LGU) kaya ang kapitan ng lugar na iyon na si Kap. Gabriel ay pumunta kay Mang Reo para kausapin.

“Mang Reo, humihingi po sana ako ng pahintulot kung maaari bang tumira sila sa inyo dahil wala na silang ibang mapuntahan.”saad ni Kap. Gabriel.

Sa una nagdadalawang isip si Mang Reo ngunit sa huli ay pumayag siya nito kaya labis ang pasasalamat ng mga tao kay Mang Reo,pumayag silang magbabayad sila ng dalawang daan kada buwan para sa renta upang maibayad din niya sa buwis sa kanilang lupain. Sa simula ay masaya at maayos ang naging ugnayan ng mga pamilya kay Mang Reo ngunit habang tumatagal ay tila nagbago ang ihip ng hangin.

“Tay, Nay!, nawala ang ilang pinya at petchay sa ating taniman!.

Minsan tuwing umaga naabutan nilang sira o ninakaw ang kanilang mga gulay, hayop at iba pa. Sa isip ni Mang Reo “kasalanan ko ito” ilang beses na nilang nahuhuling nagnanakaw ang ilang pamilya na nakatira doon. Labis ang kanyang lungkot dahil sa mga nangyayari sa kanilang lugar.

Isang araw habang pauwi sina Maryel at Elena ay nakarinig siya mula sa mga taong nag-uusap sa tindahan. “Akala ba nila uto-uto tayo  para maniwala agad kagaya lang din naman sila sa atin isang kahig isang tuka”.

 Kasabay nito ang pagluha ni Maryel kaya minabuti nalamang nila na umalis.

“Mang Reo, pangako po namin kami ay susunod sa ating pinagkasunduan". Napailing nalamang si Mang Reo ng maalala niya ang katagang iyon sinubukan niyang humingi ng tulong kay Kap. Gabriel ay binabaliwala nalamang siya nito. Kahit mga kapatid niya ay wala siyang maasahan kaya sinusubukan niyang mangutang nalamang sa iba ngunit hindi pa rin sapat ang pera  na kanyang kakailanganin.

           Kaya tuwing umaga ay nagtratrabaho si Mang Reo bilang tindero habang sa gabi naman ay nagtitinda ng balot. Ngunit habang tumatagal ay mas lalong inaagrabyado sina Mang Reo. “Itay, hindi na po tama ang kanilang ginagawa” saad ni Maryel hinaplos nalamang ni Mang Reo ang kanyang anak.

Nakikita nina Maryel at Elena ang paghihirap ng kanyang mga magulang kaya pinangako nilang magpupursigido silang mag-aral upang makatulong sa pamilya at ng kanilang ama.

Si Elena ay naging isang working student habang ang kanyang ina naman ay nagtitinda ng mga gulay at kakanin. Hanggang sa nakapagtapos si Elena bilang pulis at nakapagtrabaho agad.

Samantala habang may selebrasyon na nagaganap sa pamilya ni Mang Reo ay may ilang pamilya ang nais makipagsalo sa kanila. Agad naman sinambit ni Elena sa kanya na may katagang

 “Itay, mayroon na po akong perang naipon rito. Kayo na po ang bahala sa kanila”.

 

                                                                                                           -WAKAS-

Comments